KATUTUBONG WIKA NG PILIPINO

Wikang Katutubo: Tungo sa Bansang Filipino



Isang magandang umaga sa inyo mga kapwa ko Pilipino, at sa mahuhusay at mapagmahal naming guro. Bawat taon ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing buwan ng Agosto at sa bawat taon ay nag iiba ang tema nito.

Tuwing Buwan ng Agosto ay ang buwan ng pagdiriwang ng wikang Filipino. Ito isang espesyal na buwan para sating mga Pilipino. Sa buwang ito, ginugunita ang ating pagiging Pilipino, ang pagkakaroon ng sariling wika na Wikang Filipino na walang takot na ipinaglaban ng ating ama ng wika ang dating pangulong si Manuel L Quezon. Sa taong ito, “Wikang katutubo: tungo sa bansang pilipino.” Inihahatid nito na huwag natin limutin ang paggamit at pagsulat ng wikang sariling atin.
Ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay hindi lamang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng wika, ipinapakita rin dito ang paggamit at pagsulat ng baybayin isa itong ,makalumang paran ng pagsulat ng mga sinaunang pilipino inaalala din dito ang iba’t ibang kultura, tradisyon at paniniwala ng bawat mamamayang Pilipino. 
 Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. at ang kadalasang pinapagawa sa mga estudyante ay ang pagf gawa ng poster , slogan , tula at panggawa ng mga sanaysay . At ngayong taon ipinagdiwang ng aming paaralan ang buwan ng wika sa pamamagitan ng pag gawa ng kasuotan ng mga katutubong Pilipino na may ibat ibang tribo , ang mga mag aaral ay naatasang gumawa ng kasuotan gamit ang recycled materials at paggaya ng pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.

Sa paglipas ng panahon ay mapapatunayan na ang wika ay patuloy ba umuunlad sa mga salitang naidagdag. Sapagkat ang wikay panlahat dapat natin itong gamitin sa araw araw na nakikipag usap at nakikipag ugnayan tayo. Kaya sa kwapwa ko Pilipino huwag taong mahiya na ipagmalaki ang ating wika. Ipagmalaki at gamitin natin ito ng tama kagaya ng ginawa ng ating pambansang bayani na si Rizal na sa kabila ng dami ng wikang kanyang nalalaman ginamit nya pa rin at ipinagmalaki nya ng wikang Filipino

Maraming salamat , lagi nating tatandaan at isapuso ang pagiging tunay na mamamayan ng ating bansang Pilipinas.


ANO ANG TINATAWAG NA MGA WIKA NG PILIPINAS?


Ang tinatawag ng mga WIKA NG PILIPINAS ay ang iba't ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong. Hindi tiyak ang bilang ng mga ito,ngunit may nagsasabing 86 at may nagsasabing 170    



Itinuturing ang bawat isa na WIKA dahil hindi magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nito na may magkaibang katutubong wika. Bawat isa sa mga wika ay may mga sanga at  tinatawag na mga DIYALEKTO na maaring magkaiba sa isa't isa sa ilang katangian.



ANO ANG KATUTUBONG WIKA?

Ang katutubong wika ay ang wika na likas sa isang partikular na komunidad o grupo ng tao. Karaniwan, ito ang wika na ginagamit sa araw-araw na buhay ng isang grupo at nagmumula sa kanilang mga ninuno. Halimbawa, ang mga wika tulad ng Tagalog, Cebuano, at Ilocano ay mga katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga wika ito ay hindi lamang nakaugnay sa araw-araw na komunikasyon kundi pati na rin sa mga ritwal, kasaysayan, at kulturang naglalarawan ng ating pagkatao.

Comments